Posted by: batangueno | March 6, 2008

Urban / Rural

Abay ayos ga dito sa maynila este meynila.. ay mali parin? MANILA ayun ga? Laki ga ng sweldo ko dito eh keysa saaten dyan at prubinsyal reyt. Mantakin mo noon natanggap ako sa isang maganda at sikat na mall dyan sa batangas city ang sweldo ko eh P238.00 pesos kada araw. wow no. Ang guard daw eh 220 ata at ang sumunod na lebel mababa saken eh 228 ang kinikita. Abay sarap din ng trabaho at “SIR” ang tawag saken eh. Yun nga lang ng bibilang ako ng produkto sa mga truck truck na 10 wheeler na dumadating araw araw. KLERK daw ako eh hehe. Noon yon mga 2004 pa. Ngaun eh sa MANILA na ako nagtatrabaho. Aba sa biznez distrik eh sa MAKATI at sa Ortigas na ngay-on.Abay sosyal daw. Ay inako pag dine ka pala nakatira parang walang pagbabago. Yun laang at kagaganda at supistikeyted ang mga chiching dito eh. Hay magkanobya kaya ako ng gay-on? Ayus talaga dito sa maynila. Yun nga laang may mga bagay-bagay din akong di nagustuhan dito lalo na sa bus. Isang umaga ako gay papasok sa tarbaho sumakay ako ng bus mula sa makati. Antok na antok pa ako noon at gusto ko pang matulog kayat naisipan kong munang ipikit ang aking mga mata para umidlip. Ang bus ay tumigil sa may ayala at madaming sumakay sa tapat ng philippine stock exchange. Abay ako gay nagising sa lakas ng kwentuhan tawanan lalo na nga mga silahis at bading na kasabay ko. Abay mga call center agents sila pakiwari ko’t puro calls ang pinaguusapan eh. Pagkalalake ga ng bunganga eh parang sila laang ang tao sa bus eh. Mula makati hanggang ortigas ay sadyang walang patid ang bunganga ng mga taong eto. Aywan ko ba hindi ata sila napapagod sa kadadakdak eh. Naisip ko tuloy mas ayus pa pala ang tao sa bukid. Kahit pano ay may hiya sa ibangtaong kasabay sa dyip man o sa bus. Ayun bumaba ako sa tapat ng megamall kasabay ang ibang mga callcenter agent. Sabi ng isa eh “buhbye! see you tonight”. Abay mamahinga na din sa wakas. Abangan nyo ang mga yan sa umaga sa ayala dun malapit sa tapat ng PSE at ganyang senaryo ang mabubungadan nyo. Alam ko na kung anong callcenter ang mga yan. Abay konting malasakit kaibigan.


Leave a response

Your response:

Categories